Ang PEBA ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga lumahok. Hindi man po kayo matatawag upang tumanggap ng tropeo subalit ang gabi po ng parangal ay para sa lahat na sumali sa taong ito at gayundin po ang inyong pamilya. Sana po ay makapiling namin kayo sa gabing ito at sama-sama tayong magdiwang ng tunay na diwa ng Pasko at ng inyong kabukasan na ibahagi sa buong mundo ang inyong mga kwento, saloobin, hangarin at layunin sa buhay.
Ang layunin ng PEBA ay hindi lamang po magbigay parangal sa mga nanalo sa taong 2011 kundi gusto naming kilalanin na ang inyong mga akda sa blog ay kinakapulutan ng aral, inspirasyon kung hindi man kasiyahan/entertainment sa iba.
Maraming salamat din sa lahat ng mga dedicated volunteers ng PEBA na patuloy sa walang sawang suporta at tulong sa ibat-ibang panig ng mundo mula sa mga isla ng Palau hanggang sa Gitnang Silangan: UAE, Qatar, Kuwait, KSA, Israel, gayundin sa taga-USA, Pilipinas, at iba pang bahagi ng mundo.
Pasalamat din sa lahat ng partners tulad ng AYALA OVERSEAS FILIPINO VIPinoy Program, NOKIA Philippines, GLOBE TELECOM at iba pang sponsors:
Ayala Land International Sales (ALISI)
Hotel Elizabeth
Fersal Hotel
LoadMeNa.com (Booth)
LBS Recruitment Solutions (Booth)
Mega Manpower Corporations
Chingu Buko House
Arts of Cabinets
Bersikulo Designs
NGO Partners
Blas Ople Policy Center
Patnubay Riyadh
Media Partners
Geiser Maclang
DZXL -RMN Bantay OFW Program
DWIZ Global Pinoy
Magkita-kita po tayo bukas 5PM, Biyernes, Dec 9 sa Trinoma Activity Center, Quezon City.
Mabuhay ang mga Pinoy Expats at OFW!
Maligayang Pasko po sa ating lahat!
©2011 Pinoy Expats/OFW Blog Awards
1 comments:
Good luck guys. Will be watching out for it.
Post a Comment
PEBA or Pinoy Expats/OFW Blog Awards, Inc is proudly honoring the best and inspiring Filipino Blogs and Bloggers abroad.