PEBA AWARDS 2011, KABLOGS and THE KABLOGS JOURNAL would like to thank our sponsors and donors

AYALA VIPinoy Cards an Ayala Malls Overseas Pinoy Program, NOKIA Philippines and Globe Kababayan by Globe Telecom

Friday, January 20, 2012

The Faces of OFWs' (Iba't Ibang Mukha ng mga OFWs) ABS-CBN Patrol ng Pilipino, 10 January 2012





Featured in this documentary is Jebee Kenji Solis, the founding chair of the Pinoy Expats/OFW Blog Awards. Hosted by Jing Castaneda and Jeff Canoy, watch the contrasting stories of the OFWs around the world.







PATROL NG PILIPINO
10 January 2012


PRESS RELEASE: ‘The Faces of OFWs’

Maraming mga Pilipino ang naghahangad makapagtrabaho sa ibang bansa para sa mas malaking sweldo at magandang oportunidad pero hindi lahat ng nakakaalis ay nagtatagumpay.

Abangan sa Martes ang Patrol ng Pilipino kung saan bibigyan ng mukha ang mataas na bilang ng mga Overseas Filipino Workers. Si Laarni Passion or ‘Ate Leny’ ay nagtrabaho ng siyam na buwan sa Jeddah bilang kasambahay. Ngayong nagdaang Pasko masuwerte siyang nakauwi sa kanyang pamilya. Pagkalipas ng Pasko, minarapat ng kaniyang pamilya na huwag na siyang bumalik pa sa Jeddah. Hindi man kataasan ang sasahurin dito sa Pilipinas mas pinili nilang mapunan ang pangungulila sa isa’t isa.

Kung si Ate Leny ay mag- isa sa ibang bansa iba naman ang sitwasyon ng pamilya ni Kenji Solis. Ang mga Solis ay magkakasama sa Saudi Arabia . Si Kenji, ang padre de pamilya kasama ang katuwang na si Sheila ay sa Saudi nakatira at nagtatrabaho kasama ang 2 supling  Umuwi rin sila sa Pilipinas para sa kapaskuhan. Nais nilang maranasan ni Sophia, 4 na taong gulang na anak, ang pasko sa Pilipinas. Hindi masidlan ang tuwa ng bata dahil sa unang pagkakataon naranasan ng bata ang selebrasyon ng kapaskuhan. Sa Saudi Arabia kasi pinagbabawal ang selebrasyon ng pasko. Pinagkakasya na lamang nila ang kapaskukan sa pagbati sa kababayan tuwing may makakasalubong sa mga kalye ng Saudi.

Ang pagtatrabaho sa dayuhang bansa ay isang sugal. Minsan suwerte pero minsan buhay mismo ang nakataya. Kagaya na lang ni Jonard Langamin, 28 taong gulang, anak ni Nanay Edith, nakakulong sa Saudi.  Limang taon nang nasa piitan si Jonard nang aksidenteng masaksak ang kapwa Pilipino sa barko. Napatawad na ng pamilya ng nasaksak si Jonard pero kailangan pa rin niyang kumalap ng 5 milyong piso para mapalaya. Limang milyong piso sa loob ng limang taon pero kulang pa rin ang panahon para makalap ito kaya 4 na buwan na lang bibitayin na siya kapag hindi nila nabigay ng buo ng 5 milyon.

Ang mga OFWs puno man ng luha ng pangungulila lahat ay buong buo ang pag- asa na papalarin sa ibang bansa.  Ang iba nakakamit ang ninanais, ang iba naman minamalas. Pero kahit ano pa man ang kanilang sinasapit sa ibang bansa, lahat ang dahilan ay pagmamahal sa pamilya; mga OFWs na handang magsakripisyo mabigyan lang ng magandang buhay ang kanilang mahal sa buhay.

Tunghayan ang iba’t ibang mukha ng mga OFWs na ilalahad sa ulat ni Jeff Canoy sa Patrol ng Pilipino. Martes ng gabi 9:15pm sa DZMM Teleradyo at pagkatapos ng Bandila sa ABS CBN Channel 2.











©2011 Pinoy Expats/OFW Blog Awards

1 comments:

McRICH on January 20, 2012 10:39 AM said...

yey sir kenji,pa-otograp!

Post a Comment

PEBA or Pinoy Expats/OFW Blog Awards, Inc is proudly honoring the best and inspiring Filipino Blogs and Bloggers abroad.

 

Pinoy Expats/OFW Blog Awards, Inc. (PEBA) All Rights Reserved. The Pinoy Expats/OFW Blog Awards, Inc. Blog re-design by Ion Gonzaga • PEBA2011 Graphics Design by